Sample Homeschooling Filipino Quiz/ Exam for Grade 8
1. Magbigay ng isang bugtong (orihinal o hindi).
2. Alin dito hindi inilalarawan o binibigyang turing ng isang pang uri:
a. Pang abay
b. Pangngalan
c. Panghalip
d. Hayop
e. Tao
3. Lagyan ng tsek ang sumusunod na mga salita kung ito ay isang pang uri. Magbigay ng panggalan o panghalip na maaring ilarawan ng mga pang uri na ito.
a. maganda
b. mabango
c. tatlo
d. munti
e. mapait
f. mabilis
4. Ang salawikain ay hindi:
a. Proverbs
b. Mga kasabihang nagtataglay ng mga kuntil-butil ng karunungan.
c. Palaisipang nilkha ng ating mga ninuno upang libangin ang isa’t isa.
d. Malikhaing paraan ng pagpapayo at pangangaral.
5. Magbigay ng isang saliwikain (orihinal o hindi).
6. Alin ang hindi naglalarawan ng isang sawikain.
a. Ito ay pagpapahula ng isang konkretong bagay na matatagpuan sa paligid sa isang malikhaing pamamaraan.
b. Idiomatic expressions
c. Ito ay malikhaing pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa mga pang araw araw na gawain.
d. Ito ay matalinhaga at hindi rin ito diretsahang pagpapahayag.
7. Magbigay ng dalawang halimbawa na sawikain.
8. Ito ay isang matalinghagang pahayag na nakatutulong upang gawing higit na mabisa ang ating mga pahayag.
a. Bugtong
b. Salawikain
c. Sawikain
d. Tayutay
9. Ikonekta ang pangungusap sa uri ng tayutay na kinapalooban nito.
Column A
1. Malayo man ako nang ilang taon ay di ko pa rin malilimutan ang perlas ng silangan.
2. Nayanig ang buong gusali nang siya ay dumating.
3. Tila nagyelo sa lamig ang kaniyang kamay nang tawagin siya ng guro.
4. Nandiyan na ang araw at nagmamagandang umaga na sa atin.
5. Si nanay ang ilaw ng aming tahanan.
Column B
• Pagtutulad (simile)
• Pagwawangis (metaphor)
• Pagmamalabis (hyperbole)
• Pagsasatao (personification)
• Pagpapalit-tawag (metonymy)
10. Basahin ang Alamat ng Paru-paro sa at tukuyin ang mga bagay na makatotohanan at hindi makatotohanan. Isulat ang mga salita o pahayag sa mga patlang na nasa magkatabing kahon.
Makatotohanan
1.
2.
3.
Hindi Makatotohanan
1.
2.
3.
No comments:
Post a Comment